Una sa Balita

Meralco-mvp sweetheart deal inawat sa SC

0 295

NAGHAIN ng petisyon sa Supreme Court (SC) nitong Huwebes, Marso 21, sina Bayan Muna chairman Neri Colmenares at Rep. Carlos Isagani Zarate upang ipadeklarang null and void ang ‘sweetheart deal’ ng Meralco na pag-aari ni Manny V. Pangi­linan sa mga sarili nilang generating companies noong 2016.

Giit nila, makukuba lang ang mga consumer sa overpriced na kuryente sa loob ng 20 taon.

Sa kanilang petisyon, hiniling nina Colmenares at Zarate na mag-isyu ang SC ng temporary restraining order (TRO) at payagan silang mag-­intervene sa kasong orihinal na isinampa ng Alyan­sa Para sa Bagong Pilipinas, Inc. noong 2017.

Anila, hinayaan ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang Meralco na labagin ang patakaran sa competitive selection process (CSP). Sa nasabing patakaran, inoobliga ang mga po­wer distributor na mamili sa minimum na dalawang offer para mag-supply ng kuryente bago igawad ang power supply agreement upang masiguro na mura ang mabibiling kuryente ng mga consumer.

Dahil sa nakorner na sweetheart deal sa pitong generating companies, naitali dito ang 3,551 megawatts o 90 porsiyento ng kanilang supply sa 20-taon kontrata kung saan susuka ng P12.44 bil­yon kada taon ang mga consumer.
Karaniwan umanong overpriced ng 20% ang pinasok na kontrata ng Meralco sa mga subsidiary companies.

Kaugnay nito, binalaan din ni Colmenares ang Meralco at ang Department of Energy (DOE) na huwag pilipitin ang balita tungkol sa manipis na supply ng kuryente sa Luzon para matanggap ng publiko ang pitong kontrobersyal na power supply agreement ng Meralco.

“We monitored a recently published pronouncement by a Meralco official who tried to link the recent shutdowns of several power plants to a power supply deficiency. This is fake news,” diin ni Colmenares.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy