Una sa Balita

Meralco-MVP supply contract idaan sa independent bidding

0 354

MULING nanawagan sina House Deputy Minority leader at Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate at Bayan Muna Chairman Neri Colmenares na isalang sa independent bidding ang mga supply contract ng Meralco.

Ibinabala nina Zarate at Colmenares na magdudusa ang mga konsyumer sa mataas na singil ng kuryente kapag pinayagan ang Meralco na kontrolin ang ‘terms of refe­rences’ ng bidding.

Ayon sa mga opisyal ng Bayan Muna, welcome para sa kanila ang pag-aanunsyo ng Meralco na babaguhin ang terms of refe­rence (TOR) para sa 1,200-megawatt supply requirement sa susunod na 20 taon.

Ayon kay Colmenares, hinirit niya sa Department of Energy (DOE) na tiyakin na hindi lamang malilimitahan sa mga generation company ng Meralco ang mga lalahok sa bidding.

Kapag ganito aniya ang naging eksena ay pihadong magreresulta ito sa mataas na presyo ng kur­yente at madedehado ang mga konsyumer.

“It is good that Meralco has decided to revise its TOR for the bidding of its 1,200-MW requirement for the next 20 years. Under its old bidding terms, Meralco demanded­ that only new or greenfield generation plants which would operate in 2024 were qualified to bid. This essentially means that no genuine­ bidding took place as Meralco would be contracting with its wholly-owned subsidiary Atimonan One Energy Inc,” pahayag ni Colmenares.

Umaasa ang lider ng Bayan Muna na sa pamamagitan ng bagong TOR ay magiging competitive ang bidding at mapahihintulutan ang mga planta ng kuryente na mag-alok ng mababang presyo ng kuryente.

Hinihiling ni Colmenares sa Meralco at DOE na isapubliko o ipalathala ang bagong TOR para mapag-aralan ang mga probisyon nito.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More