Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Meralco-MVP suka ng P19M sa ‘shock bill’

0 177

Binayaran na ng Manila Electric Company (Meralco) ni Manny V. Pangilinan ang P19 milyong multa sa Energy Regulatory Commission (ERC) at ipapatupad na rin nito sa Oktubre ang iniutos ng komisyon na huwag singilin ang mga tinatawag na lifeline customers ng distribution, supply, at metering (DSM) charges na aabot sa P200 milyon.

“…please be informed that MERALCO paid the P19 million penalty imposed in the decision,” sabi ng Meralco sa Philippine Stock Exchange kahapon.

Ayon sa Meralco, naghain ito ng motion for partial reconsideration sa ERC tungkol sa DSM charges ngunit susundin nito ang utos ng ERC na huwag itong singilin hanggang wala pang desisyon dito.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa mga bill sa kuryente ng customers, ang DSM ang napupunta sa Meralco o iba pang distribution utilities.

Ang Meralco ang kumokolekta ng bayad sa kuryente kasama na ang bayad para sa transmission charge, generation charge, universal charge, pati na taxes at iba pang charges.

May kita rin ang Meralco sa generation charge kung ang kuryente ay kinuha nito sa sarili nitong power generation company tulad ng MERALCO PowerGen Corp. at iba pa.

Sa P8.4211 per kilowatt hour na sinisingil sa kuryente ngayong buwan,P4.0860 ang para sa generation charge. Depende sa kinokonsumo, ang DSM charges ay papalo sa 30% ng bill. (Eileen Mencias)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.