Una sa Balita

Meralco-MVP sinuspinde sa paglabag ng kontrata

0 294

SINUSPINDE ng pamahalaan ng Ghana sa Africa ang Meralco ng binatang negosyanteng si Manny V. Pangilinan dahil hindi nito sinunod ang mga alituntunin ng kasunduan nito.

Ang Meralco ang nangungunang kompanya sa Power Distribution Services (PDS) Ghana Ltd. na binigyan ng 20-year concession agreement ng Ghana para sa 85% ng total energy requirement ng bansa.

“The Manila Electric Company received information that the concession for the operation and maintenance of the assets and facilities of the Electricity Company of Ghana which was awarded to the Power Distribution Services Ghana Ltd. last March, 2019 had been suspended by the Government of Ghana effective July 31, 2019,” pahayag ng Meralco kahapon.

Sinabi ng kompanya na nakikipag-ugnayan pa ito sa mga partner nito sa Ghana para makakuha ng karagdagang impormasyon at clarification sa issue.

Ayon sa Meralco, sinuspinde ang kanilang kontrata dahil sa “alleged material breaches in the provision of the demand guarantees by PDS.”
Ang mga demand guarantees ay kailangang matupad bago lubusang maipasa at ma turn over dito ang mga pasilidad.

“Meralco is currently coordinating with its local partners in PDS to obtain more information and clarification on this matter and will fully cooperate with the Government of Ghana to address any issue affecting the same,” dagdag nito. (Eileen Mencias)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy