Una sa Balita

Meralco-MVP pinakakanta ng ERC sa kinolektang bill deposit

By
0 140

INUTUSAN ng Energy Regulatory Commission kahapon ang mga distribution utilities tulad ng Manila Electric Company na isumite ang mga dokumento tungkol sa mga bill deposit ng mga consumer.

Sabi ni ERC chairperson at CEO Agnes Devanadera, kailangan nilang makuha ang datos tungkol sa bill deposit dahil sa parating na imbestigasyon sa Kamara tungkol sa nasabing isyu.

Nais ng ERC malaman kung magkano na umaabot ang mga bill deposit ng nakalap ng mga distribution utilit­y simula nang maging epek­tibo ang Magna Carta for Residential Electricity Consumers hanggang March 31, 2018.

Nais din ng ERC makita kung magkano na ang kinitang interes mula sa mga bill deposit ng mga consumer at kung magkano na ang mga bill deposit at interes na naibalik sa mga consumer.

Sa Martes, Agosto 7 nakaiskedyul ang susunod na meeting ng House Committee on Energy pero ang naka-agenda pa lang na pag-usapan ay ang pagmumulta sa mga nagnanakaw ng kuryente at poste at mga kable, ang kondisyon ng Camiguin Electric Cooperative, ang performance ng National Electrification Administration at ang mandato nito, at ang performance ng ERC at kung naga­gampanan nito ang tungkuling protektahan ang mga consumer.

Ang imbestigasyon sa bill deposit ng Meralco, na minamay-ari ng bilyonaryong negosyanteng si Manuel V. Pangilinan, ay hango sa inihaing re­solusyon ng apat na Party-list representative na bumubuo ng Makabayan bloc.