Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Meralco-MVP pigain sa P2.3B EVAT refund

0 681

Pinapipiga na ng isang grupo ng consumers ang P2.3 bilyon refund na hindi pa naibabalik ng Manila Electric Company ni Manny V. Pangilinan sa mga tao.

Sa isang press conference kahapon, nanawagan si Power for the People Coalition (P4P) convenor Gerry Arances sa kinauukulan na pigain na sa Meralco ang naiiwang refund at isuspinde ang expanded value added tax na pinapataw sa kuryente para maibsan ang paghihirap ng mga tao imbis na gulantangin sa bill shock.

Nasa P30.3 bilyon ang sobrang kinubra ng Meralco nung 2003 at may mahigit pang P2 bilyon ang hindi pa nito naibabalik.

Ani Arances, dapat ding iaudit ang Meralco kung naibalik na nito ang dapat irefund pati na ang mga interes na kinita nito sa sobrang siningi nito.

“Sa karanasan, alam natin na ang Meralco ay parating nagva-violate sa mga refund…dapat irefund na lahat ng iutos irefund at dapat itong i-audit kung totoong lahat ay narefund including interest,” sabi ni Arances.

Sabi naman ni Philippine Movement for Climate Justice national coordinator Ian Rivera, hindi lang nung panahon ng lockdown nagtataas ang singil ng Meralco sa generation charge dahil Disyembre pa tumataas ang sinisingil nito para dito.

Leave A Reply

Your email address will not be published.