Una sa Balita

Meralco-MVP nagpatikim ng brownout dahil sa nasirang planta

0 201

INANUNSYO ng Manila Electric Co. (Meralco) ang power supply interruption sa ilan nilang kostumer nitong Martes, Abril 23, matapos isailalim ang Luzon grid sa red at yellow alert.

Sa isang advisory, binanggit ng kompanyang pag-aari ng negosyanteng si Manny V. Pangilinan na hagip ng rotational brownout sa pagitan ng ala-una hanggang alas-dos nang hapon ang lugar ng Bacoor-Molino VII sa Cavite, Dasmariñas City-Salawag.

Apektado din ng rotational brownout sa nasabing oras ang San Pedro-Cuyab, Landayan, Nueva, San Antonio, San Pedro, San Vicente at Sto. Niño sa Laguna.

Sa bahagi naman ng Las Piñas, hagip ang Almanza 1, Almanza II, BF Homes at Tindig Mangga, samantalang sa Makati City ay sa Poblacion nawalan ng kuryente.

Malaking bahagi naman ng Mandaluyong City ang hagip ng rotational brownout, habang sa Manila ay sa bahagi naman ng Sampaloc, Sta. Ana at Sta. Mesa.

Apektado rin ang Alabang, Bayanan, Buli, Cupang, New Alabang Village, Poblacion, Putatan, Sucat at Tunasan sa Muntinlupa City, habang sa Parañaque City ay hagip ang Baclaran at BF Homes. Sa Pasig ay sa Kapitolyo at San Antonio lamang ang apektado.

Tinamaan din ang Don Manuel, Doña Aurora, Doña Josefa, Kalusugan, Lourdes, Mariana/Damayan Lagi, Sta. Teresita, Sto. Domingo, Tatalon at Valencia sa Quezon City, habang sa San Juan ay hagip ng rotation brownout ang Addition Hills, Balong-Bato, Batis, Corazon de Jesus, Ermitaño, Greenhills, Isabelita, Kabayanan, Little Baguio, Maytunas, Onse, Pasadeña, Pedro Cruz, Salapan, Sta. Lucia at Tibagan.

Isinailalim ng National Grid of the Philippines (NGCP) ang Luzon grid sa yellow at red alert dahil sa manipis na suplay ng kuryente matapos sirain ng magnitude 6.1 lindol ang ilang power generator. (Armida Rico/Riz Dominguez)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy