Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Meralco-MVP kinalampag sa P47B atraso

0 212

Nakahinga ang mga consumers sa desisyon ng Energy Regulatory Commission (ERC) na utusan ang Manila Electric Company (Meralco) ni Manny V. Pangilinan at iba pang distribution utilities at electric cooperatives na ipagpaliban ang pagputol ng kuryente ng mga hindi nakababayad hanggang katapusan ng taon.

Sa isang pahayag, sinabi ng Power for People Coalition (P4P) na nagagalak sila sa utos ng ERC ngunit nananawagan pa rin itong ibalik ng Meralco ang P19 bilyong refund ng mga consumers na 2003 pa inutos ng Supreme Court.
Nanawagan din ang P4P na isauli ng Meralco sa mga costumer ang P28.5B bill at meter deposits na sa kabuuan ay nasa mahigit P47B.

SM food to go Banner Ad

“Meralco is sitting on literally billions of pesos. Billions which they extracted from consumers who don’t have the choice. There is no reason to go easy on them since they never went easy on consumers,” sabi ni P4P convenor Gerry Arances.

Pinetisyon ng P4P at iba pang consumers ang Meralco para sa moratorium sa paniningil ng bill shock noong lockdown at huwag itong singilin hanggang hindi naibabalik lahat ng refund ng mga customers at hindi pa nalilinaw kung paano nito kinukwenta ang sinisingil sa mga tao.

Sa #TigilBayad na online petition, panawagan din ng mga consumers na isailalim sa independent audit ang Meralco. (Eileen Mencias)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.