Una sa Balita

Meralco-MVP kakarga ng P1.80/kwh sa mga consumer

Pambawi sa gastos ng sister company

0 259

IBINABALA ni dating Ba­yan Muna Rep. Neri Colmenares ang nakaumang na dagdag singil ng Manila Electric Company (Meralco) sa mga kons­yumer.

Nakalawit ang dagdag na P1.80 kada kilowatt-hour na ipapasa sa mga consumer bunsod ng gagastusin sa konstruksyon ng 1,200-megawatt power plant ng Atimonan One Energy Inc. (Atimonan One) na sister company ng Meralco na minamay-ari ng binatang negosyanteng si Manny V. Pangilinan.

Inilutang ni Colmenares ang nasabing babala matapos aminin ng Meralco na umakyat sa P15B ang gagastusin sa kons­truksyon ng Atimonan power facility sa probinsya ng Quezon dahil sa interest expense at pagtaas ng presyo ng imported na equipment.

“The continuing escalation in construction cost of the Atimonan One power plant will translate in one year to an estimated P1.80 per kwh increase in capa­city cost, a major component embedded in computing Atimonan One’s power rate,” pahayag ni Colmenares.

“The capital cost increase will add to the estimated P5.66 per kwh ave­rage power rate of Atimonan One, or a total of P7.46 per kwh. This is clearly exorbitant because other power generation companies like the San Miguel Corporation now offer electricity for as low as P2.95/kwh,” pagpupunto pa ng consumer advocate.

Malabo aniyang magkawanggawa ang Meralco at saluhin ang lahat ng gastos.

Sigurado umanong ipapasa na naman ang mga pasanin sa mga kons­yumer.

“Once Meralco collects all these additional char­ges, we probably will earn the dubious distinction of having the world’s most expensive power rates,” giit ni Colmenares. (A­ries Cano)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy