Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

MERALCO-MVP inawat maningil

0 586

Pinatitigil muna sa Manila Electric Company (Meralco) ang paniningil hangga’t wala pang malinaw na paliwanag hinggil sa nakaka-shock na billing nito nitong mga nagdaang buwan.

Ito ang panawagan ni Senador Sherwin Gatchalian dahil nangako aniya ang Meralco sa pagdinig sa Senado na hindi sila maniningil hangga’t hindi pa nakakapaglabas ng malinaw ng eksplanasyon sa kanilang billing.

“Yun naman po ang usapan natin last hearing ‘di muna sila maniningil hanggat ‘di sila naglalabas ng sulat na ipapaliwanag ang kanilang paniningil,” pahayag ni Gatchalian sa panayam sa DZBB.

“Yung computation, yung simpleng paliwanag, wag naman scientist ang magpapaliwanag ‘di natin maiintindihan yun. May formula pa kahit kami ‘di namin maintindihan. Usapan wag muna maningil dahil paano magbabayad kung di maintindihan ang babayaran,” dagdag pa ito.

Ayon pa kay Gatchalian, chairman ng Senate committee on energy na kailangan ding tiyakin ng Meralco na hindi magkakaroon ng pagputol sa kuryente hangga’t hindi nalilinaw mabuti ang napakataas na singil batay sa nakasaad sa monthly bill ng kanilang mga customer.

“Correct (dapat walang putol). Pwede naman magpaliwanag dahil may radyo, telebisyon at nakita ko ang Meralco pag gusto nila nagpapaliwanag naman,” sabi pa ng senador.

Sabi pa ni Gatchalian, maging siya ay na-shock sa kanyang monthly dahil nagtriple umano ang kanyang bayarin.

“Talagang nagulat, nagkaroon din ako ng bill shock dahil yung bill ko sumipa nung June more than 3x of the amount,” anang senador. (Dindo Matining)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.