Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Meralco-MVP, ERC sabwatan sa ‘shock bill’

0 417

Tiniyak ni House Speaker Alan Peter Cayetano na babalatan niya ang naaamoy na “sweetheart deal” umano sa pagitan ng Energy Regulatory Commission (ERC) at Manila Electric Co. (Meralco) na dahilan ng sobrang taas na singil sa kuryente sa nakalipas na mga buwan.

Sa pagdinig ng committee on good governance and accountability sa Kamara, ipinahiwatig ng mambabataas ang halata umanong pagkiling ng ahensya sa Meralco na pag-aari ng negosyanteng si Manny V. Pangilinan kaya’t malakas ang loob nito na pasiritin ng todo ang singil sa nakonsumong kuryente ng publiko sa nakalipas na tatlong buwan.

Nauna nang hinimok ng kongresista ang ERC na maging mas matalino sa
pag-unawa sa batas para sa ikabubuti ng mas marami at hindi para sa
pakinabang lang ng ilan.

“If you’re not giving the best possible price to the public, then ibig sabihin may sweetheart deal diyan . Sana during the President’s time, ma-reboot, ma-reset natin itong lahat. Hindi pwede na sinong mas malalaking kompanya, sinong mas malalapit na kapit, sinong mas mayayaman, sila ang nasusunod . Public policy should be for the public.” giit nito.

Hinirit din ni Cayetano sa Meralco na humanap ng paraan para maging magaan ang pagbabayad sa kanila ng kanilang mga customer, partikular ang sektor ng mahihirap.

Iminungkahi niya ang pagbibigay ng Meralco ng 50 percent na subsidiya o 50 percent na discount sa mga customer para sa ikagagaan ng mga ito.

“I don’t want to put you on the spot na parang sana i-libre niyo na ang isang buwan dahil pandemic dahil alam kong negosyo yan. May financial side yan, may shareholders kayo. But can I request na tignan niyo ang mga lifeline? Baka naman may magawa ang Meralco,” dagdag niya.(Mia Billones)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.