Una sa Balita

Meralco-MVP, DOE patigasan sa bidding

0 278

MALAYO pang magkaroon ng katapusan ang bidding ng Manila Electic Co. (Meralco) para sa magsu-supply ng 1,200 megawatt (MW) matapos makipagtigasan ang kompanya sa Department of Energy (DOE).

Nanindigan ang DOE na pababayaan nila ang Meralco na bumalangkas ng sariling terms of reference sa competitive selection process (CSP) o bidding pero hindi ito babasbasan ng kagawaran kung hindi tugma sa kanilang posisyon.

“Wala na ako magagawa kung ayaw nila eh ayaw ko rin,” diin ni DOE Secretary Alfonso Cusi.

Nais ng kompanyang minamay-ari ng binatang negosyanteng si Manny V. Pa­ngilinan na bagong power plant lamang o yaong tinatawag na “greenfield pro­jects” ang magsu-supply ng 1,200 MW. Giit naman ni Cusi, dapat payagan din na lumahok sa bidding ang “brownfield projects”.

Dalawang bidding na ang nauwi sa pagkasa ng power supply agreement (PSA). Ang ikatlong bidding naman ay idineklarang “failure” matapos na isang kompanya lang, na power generation unit ng Meralco, ang nag-bid.

“‘Yung first bidding, sabi inaprubahan ko eh hindi ko naman inaprubahan ‘yun. Ang inapruba ko lang eh publication nila,” paliwanag ni Cusi sa ambush interview noong nakaraang linggo.

Noong Mayo, ipinag-utos ng Supreme Court (SC) na magkaroon ng CSP sa lahat ng PSA ng distribution utilities kung kaya’t nahagip nito ang mga sweetheart deal ng Meralco sa mga affiliated power firm.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy