Una sa Balita

Meralco-MVP dinaig si Janet Napoles

0 312

DINAIG pa ng Manila Electric Company (Meralco) ang negosyanteng si Janet Lim Napoles, sa laki ng kikitain ng kompanya sa kinakasang power supply agreement (PSA) sa mga subsidiary at affiliate na generation companies (gencos).

Ito ang patutsada nina Bayan Muna chairman Neri Colmenares at Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate matapos nilang kastiguhin ang pagpupumilit ng kompanya ng negosyanteng si Manny V. Pangilinan na makuha ng affiliate gencos ang kontrata sa power supply.

Tinukoy ni Zarate ang paninindigan ng Meralco na wala umanong batas o policy na nagbabawal sa affiliated gencos na sumali sa bidding ng power supply.

Ayon kay Zarate, dapat basahin ng Meralco ang resulta ng imbestigasyon ng Kamara kung saan lumabas na P900 bilyon ng overpriced power rate ang kukubrahin ng Meralco sa mga affiliated genco.

“The House investigation caught Meralco with its hands in the cookie jar, yet Meralco is feigning innocence about it,” diin ng kongresista.

Binanggit pa ng mambabatas na dahil sa iregularidad na ito ay sinuspinde ng Ombudsman ang mga matataas na opisyal ng Energy Regulatory Commission (ERC) dahil sa pagpapahintulot sa Meralco na ipagkaloob ang PSA sa mga affiliated genco kahit walang bidding.

Hinimok naman ni Colmenares ang Meralco na rebyuhin ang na­ging desisyon ng Supreme Court (SC) bago nila ipagpilitan na walang batas na nagbabawal na sumali sa bidding ang isang affiliated genco.

Binanggit naman ni Zarate na kung makukuha ng mga sister company ng Meralco ang kontrata sa power supply, dinaig pa nila ang pork barrel queen na si Janet Lim Napoles sa laki ng kikitain.

Aniya, ang kabuuang kapasidad ng mga pinapaborang gencos ay 3,551 megawatts kaya’t parang nakorner nila ang electricity requirement ng buong Visayas at Mindanao.

“The amount of overpriced char­ges they would pick from the pockets of consumers at P900 billion likewise would dwarf the money that supposed­ly Janet Lim Napoles took from government coffers,” patutsada ni Zarate.

“That’s why we continue to watch over these PSAs to make sure Meralco will not again try to award contracts with overpriced charges that will burden its customers,” dagdag pa niya.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy