Meralco-MVP bidding bantay-sarado ng PCC
BINABANTAYAN ng Philippine Competition Commission (PCC) ang pang-aabuso ng Manila Electric Company (Meralco) ni Manny V. Pangilinan sa mga consumer lalo na’t may mga generation companies na muli ito na maaring paburan para bilhan ng mas mahal na kuryente at masiguro ang kita nito.
“Ang binabantayan ngayon ay ang abuso ng Meralco,” sabi ni PCC Commissioner Macario de Claro Jr. nang tanungin tungkol sa competitive selection process o bidding na isinasagawa ng Meralco para sa mga power supply agreement nito.
Sabi ni De Claro, malaking bagay na nagkaroon na ng usapan ang PCC at ang Department of Energy (DOE) para matingnan nito kung paano maisusulong ang kompetisyon sa power sector para mapababa ang presyo para sa consumers.
Related Posts
Dagdag niya, sa ngayon, nasa Energy Regulatory Commission (ERC) pa ang usapin ng presyo ng kuryente at wala pa ito sa punto na kailangang aksyunan ng PCC, sabi ni De Claro.
Iniutos ng Korte Suprema sa Meralco na isaayos nito ang bidding para sa power supply agreement matapos nitong ibasura ang approval ng ERC sa mga ito. Pina-bidding ng Meralco kamakailan ang ilang power supply agreements nito na nabawi ang approval ngunit duda ang iba kung layunin nga ng isinagawang bidding na pababain ang presyo. Nabigo ang bidding para sa 1,200 megawatt greenfield energy na sinasabi naman ng ilan na sinasadya para mapadali ang negotiated deal sa Atimonan One Energy, na pag-aari ng Meralco. (Eileen Mencias)