Una sa Balita

Meralco, Maynilad-MVP dagdag pasakit sa TRAIN Law

0 307

PANSAMANTALA lamang umano ang mababang inflation rate ngayong buwan dahil muli itong sisirit pataas bunsod ng pangalawang yugto ng excise tax sa mga produktong langis sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law, pagtatas ng singil ng kuryente, tubig at ang ‘unlimited’ na importasyon ng bigas.

Ayon kay Gabriela Women’s Party Rep. Arlene Brosas, hindi maloloko ni Pangulong Rodrigo Duterte at kanyang mga economic manager ang taumbayan lalo na ang mga hanay ng mga kababaihan dahil ang sinasabing pagbaba ng inflation rate sa 5.1 noong Disyembre mula sa ­dating 6 porsiyento noong nakaraang mga buwan ay panandalian ­lamang.

“Women and their families are bound to be affected with a price hike time bomb due to the impending excise tax hike on oil products, as well as the looming enactment of rice tariffication law that will open the floodgates for more imported rice and swamp local markets. It is only a matter of time before a higher inflation rate hike kicks in,” ­pahayag pa ni Brosas.
“We should also take note that Meralco plans to implement a recalculated power rate hike this month, while the MWSS has given the go-signal for the water rate hike for Maynilad and Manila Water areas starting January 1, 2019. Patong-patong ang bagong taas-presyo na babayo sa mga ordinaryong pamilyang Pilipino,” dagdag ng mambabatas.

Ang Meralco at Maynilad ay kapwa pag-aari ng negosyanteng si Manny V. Pangilinan.

Sinabi naman ni ­Gabriela Rep. Emmi de Jesus na ang TRAIN Law at rice tariffication ay makakaapekto nang malaki sa inflation ngayong Enero dahil sa direktang tatamaan nito ang presyo ng mga bilihin na magpapalugmok sa pamumuhay ng mamamayan.

“With the agrarian sector suffering from low productivity and widespread land use conversions, unlimited importation of rice will definitely hurt local producers. Rice prices will not necessarily go down as global rice prices are unstable, and a rice cartel controls 85 percent of rice trade in the country,” paliwanag ni Rep. De Jesus.

Aniya, patuloy na pahihirapan ng TRAIN Law ang pamilyang Filipino ngayong 2019 sa second round ng excise tax na magpapataas sa presyo ng basic commodities at serbisyo.

“TRAIN Law will also continue to ravage families’ pockets this 2019 with the second round of excise tax hike, which will cascade on basic commodities and services. Hence, our call to repeal the regressive provisions of TRAIN Law as contained in House Bill 7653 remains ­relevant,” diin pa ng mambabatas.