Una sa Balita

Meralco may dagdag–singil ngayong Disyembre

0 323

PANIBAGONG P0.3044 kada kilowatt hour (kWh) na dagdag-singil sa kuryente ang ipapatupad ng Manila­ Electric Company (Meralco) ngayong buwan ng Disyembre.

Nabatid na ang naturang pagtaas ng singil ay katumbas ng P60.88 na dagdag sa bayarin­ ng mga consumer na kumukonsumo ng 200 kWh kada buwan; P91.32 para sa nakakakonsumo ng 300 kwh kada buwan; P121.76 sa nakakagamit ng 400 kWh at P152.20 naman sa nakakagamit ng 500 kWh kada buwan.

“This is the third monthly increase in Meralco rates after the upward adjustments in October and November,” pahayag ng Meralco.

Paliwanag ng Meralco na ang pagtataas ng electricity rates na mahigit 30 sentimo/kwh ngayong December bill ay dulot ng pagmahal ng presyo ng kuryente sa spot market dahil sa dalawang ulit na pagtataas ng yellow alert sa Luzon sa nakalipas na buwan at mas mataas na generation charges.

Tumaas rin umano ang presyo ng power mula sa Independent Power Producers (IPPs) ng P0.1106/kWh at P0.0987/kWh naman mula sa Power Supply Agreements (PSAs).

“Charges from the Wholesale Electricity Spot Market (WESM) increased by P1.0799 per kWh driven by tighter supply conditions in the Luzon grid,” anang Meralco.

Kaugnay nito, patuloy namang hinihikayat ng Meralco ang kanilang mga kostumer na magtipid ng kuryen­te. (Edwin Balasa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy