Una sa Balita

Meralco may 13 sentimong dagdag-singil

By
0 9

Nag-anunsyo kahapon ang Meralco ng panibagong dagdag-singil sa kuryente na epektibo nga­yong buwan ng Agosto.

Batay sa abiso ng Meralco, 13 sentimo kada kilowatt hour ang dagdag-singil sa kuryente na dahilan umano sa pagtaas ng singil sa generation charge nito.

Nilinaw rin ng Meralco na naibawas na sa nasabing halaga ang ikatlong bugso ng P0.79 per kilowatt hour na refund na bahagi ng P6.8 bilyon ‘over-recoveries’ mula 2014 hanggang 2016.

Dahil sa naturang panibagong dagdag-singil, aabot sa P26 ang madaragdag sa bayarin ng mga consumer na kumukonsumo ng 200 kilowatt hour kada buwan; P39 naman kung ang konsumo ay 300 kwh kada buwan; P52 kung 400 kwh; at P65 kung umaabot sa 500 kwh ang nagamit na kuryente.