Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Meralco lineman ginulpi

0 400

Napapagbuntunan ng ngitngit ng mga kostumer ng Meralco ang mga maliliit na empleyado dahil sa halos tripleng pagtaas ng bayarin sa kuryente.

Ito’y makaraang gulpihin ng isang residente ang lineman ng nasabing kompanya sa Caloocan City kahapon ng umaga.

Nagtamo ng black-eye at sugat sa mukha si Roldan Monte Jr., 27, naninirahan sa Villa Encarnacion Paltok Street, Barangay Dalandanan, Valenzuela City.

Ayon sa ulat, alas-siyete ng umaga, nagpuputol ng illegal connection ang biktima sa Dalandan Street nang makita ito ng lasing na si Alfredo Nandres, 53, construction worker, residente ng naturang lugar, at pagbaba sa poste ng una bigla itong nilapitan ng huli saka pinagsusuntok sa mukha.

Kaagad sumaklolo si Pat. John Mark Ramos, police escort ng biktima, at inaresto ang suspek saka kinasuhan ng physical injury. (Orlan Linde)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.