Una sa Balita

Meralco hike, larga

By ,
0 8

Inanunsyo kahapon ng pamunuan ng Manila Electric Company (Meralco) na tataas ng 29¢ kada kilowatt hour ang singil sa kuryente ngayong buwan ng Hulyo.

Ayon sa Meralco, ang mga residential area na kumokunsumo ng 200 kWh ay madaragdagan ng P58 sa kanilang July electricity bill.

Sinabi ni Joe Zaldarriaga, tagapagsalita ng Meralco, ang dahilan ng pagtaas ng singil sa kuryente ay bunsod ng adjustment ng electricity rate mula sa generation charge na umaabot sa 30 percent kada kilowatt hour.

Ayon pa kay Zaldarriaga, tumaas din ng 4.40% per kWh ang singil ng Wholesale Electricity Spot Market (WESM) na siyang pinagkukunan nila ng enerhiya dahil na rin sa mataas na panga­ngailangan ng generation capacity bunsod ng sunud-sunod na nara­nasang yellow alert noong Hunyo 13, 17, 21 at 22.

Kabilang sa mga planta na naapektuhan ng power outages ay ang Pagbilao 2, Sta. Rita, San Lorenzo, San Gabriel, Calaca 1 at 2, San Roque, Ambulao at iba pa.