Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Meralco ‘bill shock’ namumuro sa bagong ECQ

0 58

UMAPELA ang Bayan Muna sa liderato ng Kamara na magtakda na ng pagdinig para sa paglobo ng bayarin sa kuryente ng mga kustomer ng Manila Electric Company (Meralco) nang ipatupad ang enhanced community quarantine (ECQ) nakaraang taon.

Ginawa nina Deputy Minori­ty Leader Carlos Isagani Zarate at Bayan Muna chairman Neri Colmenares ang panawagan matapos sabihin ng Meralco na posibleng magkaroon ng pagtaas sa singil ng kuryente ngayong buwan at habang naka-ECQ ang NCR bubble.

“Meralco’s justification that the surge in electricity bills of consu­mers last year and the one it is projecting now, as a supposed result of higher consumption, is questiona­ble. Recall that even President Duterte reported a downward trend in demand during the lockdown period in 2020,” ani Zarate.

Inihain ni Zarate at iba pang miyembro ng Makabayan bloc ang House Resolution 879 noong Mayo 18, 2020 upang maimbestigahan ng Kamara ang biglang paglobo sa bayarin sa kuryente.

SM food to go Banner Ad

Sinabi naman ni Colmenares na dapat magpasa ang Kongreso ng batas na magbabawal sa cross ownership ng isang distribution utility sa power generation companies (gencos).

“Meralco’s skyrocketing rates provide consumers and lawmakers alike painful proof that the law of supply and demand does not work when only one company – a monopoly like Meralco — controls the supply of a product or service,” ani Colmenares.

Para kay Colmenares hindi maaasahan ang Meralco na bumili ng kuryente sa ibang gencos kahit mas mura ang presyo nito dahil mayroon itong sariling gencos. (Billy Begas/Eralyn Prado)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.