Una sa Balita

Meralco bill gawing hulugan -ERC

0 286

Inutusan ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang distribution utilities tulad ng Manila Electric Company na basahin ang mga metro ng consumers at mag-issue ng bagong billing na nagpapakita ng kanilang mga actual na consumption bago mag June 8, 2020.

Inulan ng batikos ang Meralco nang makatanggap ang mga tao ng billing kung saan biglang sirit ang kanilang mga konsumo sa kuryente na halos triple pa na kanilang buwanang konsumo.

Naglabas ng advisory ang ERC na gagabay sa mga DUs at iba pang power companies habang naka-modified enhanced community quarantine pa ang ilang lugar sa bansa.

Bukod sa pagbibigay ng mga billing na base sa actual consumption, inutusan ng ERC ang Meralco at iba pang DUs na gawing 6-gives ang pagbayad sa kuryenteng kinonsumo habang naka-ECQ para sa mga pamilyang ang konsumo ay hanggang 200 kWh sa isang buwan ng walang penalty, interes, at iba pang fees.

Para sa mga tahanang ang konsumo ay mas mataas sa 200 kWh, 4 gives babayaran ang kinonsumo nung panahon ng ECQ.

Para sa mga electricity bills na ang due ay June 2020, hindi dapat ito singilin ng mas maaga pa sa June 30, 2020 at hindi rin ito dapat pinapatawan ng penalty, interes, at iba pang fees.

Para sa mga maagang magbayad, bibigyan ng discount, pinapaalala ng ERC na dapat ang discount ay ibahagi din sa mga customers. (Eileen Mencias)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More