Una sa Balita

Mental health facility ipinatayo ni Robredo sa San Remigio, Cebu

By
0 312

NAGPAPATAYO ang tanggapan ni Vice President Leni Robredo ng mental health facility sa bayan ng San Remigio sa Cebu bilang tulong na rin sa ­layunin ng pamahalaang lokal na matugunan ang pangangailangan sa mental health ng mga residente nito.

Pinondohan ang pagpapatayo ng pasilidad sa pamamagitan ng P2 mil­yong ayuda ng Office of the Vice President sa local government ng San Remigio, sa ilalim ng Angat Buhay program nito.

Binisita kahapon ni Vice President Leni Robredo ang lugar kung saan itinatayo ang mental health facility na inaasahang matatapos sa susunod na buwan.

May 100-square meter ang sukat nito na may holding area para sa mga mental health patient at treatment area para sa counseling at consultation.

Nagbigay din ng donasyon ang Solana Foundation, partner ng Angat Buhay program ni Robredo, para sa mga kagamitan ng pasilidad na pa­ngangasiwaan ng pamahalaang lokal sa pamamagitan ng municipal health office ng San Remigio.

“Excited tayo na matapos na iyong center na pinapatayo natin. Hopefully mas marami pa iyong matulungan,” ayon kay Robredo.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy