Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Mensahe sa mga kakampink: ‘Wag hayaang mabalutan ng dilim ang liwanag – Angel

0 128

Masasabing tinanggap na rin ng actress na si Angel Locsin na hindi ang sinuportahan niyang kandidato na si VP Leni Robredo ang nanalo ngayong election, instead, ang mahigpit nitong kalaban na si Bongbong Marcos.

Pero isa si Angel sa mga artistang hanggang sa huli ay ipinakita ang suporta sa tandem nina VP Leni at Senator Kiko Pangilinan na kahit daw naipit siya ng apat na oras sa traffic, tumuloy pa rin sa naging thanksgiving rally ng mga ito sa Ateneo.

At sa kabila nga raw ng lahat, saludo siya sa lahat ng tumindig. Hindi raw niya makakalimutan ang ang mga naranasan niya lalo na during campaign.

Sey pa niya, “Huwag hayaang mabalutan ng dilim ang liwanag na nasa puso ninyo. Ngayon, higit pa man, mas kailangan kayo ng bayan. Buksan ang inyong mga mata at puso para sa bayan.”

Pinuri rin niya si VP Leni sa pagiging tunay na leader raw.

“Thank you VP Leni for showing grace in defeat last night. A true leader indeed. Reminding us na isa sa mga ipinaglaban natin ay ang demokrasya. Magkaiba man tayo ng stand, we should honor democracy and listen to the majority bilang ka-isang bansa.”

At muli, sinabi niya na mas tama ang pumili sa tandem nina BBM at Sara.

“For our country’s sake, I’m rooting for our presumptive president, vice president, & senators. I’m hoping they’ll do better than our past leaders. I am a Filipino citizen hoping to be proven wrong. Masasabi ko hong ikasasaya ko ho kung mali kami at tama kayo.

“I understand na minsan mahirap, kaya kapag tingin ninyo kaya nyo na, ituloy ang radikal na pagmamahal. Otherwise, hanggang slogan lang pala tayo kung ganun.”

At sa huli, masayang nagbiro ito na finally, may picture na raw siya sa kanyang mga kapatid. Ang tinutukoy niya ay ang tatlong Robredo sisters na sina Tricia, Aika at Jillian. (Rose Garcia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.