Una sa Balita

Mensahe sa ex-husband Napatawad ko na ang hayop na ‘yon! — Donita

By
0 2,416

abante-paistaran-dondon-serminoWala nang bakas ng bitterness sa mukha, pananalita ni Donita Rose, sa nangyari sa kanyang buhay may-asawa. Halos dalawang taon na ngang hiwalay si Donita kay Eric Villarama, at may isa silang anak, si Joshua Paul, o JP.

“Yeah, we’re friends na,” sey ni Donita.

Nakakaaliw nga si Donita, dahil may bonggang hirit na joke pa siya para sa kanyang ex-husband.
“I always say na, ‘Pinatawad ko na yung hayop na ‘yon! Pero joke lang ‘yun. Joke lang ‘yun! Hahahaha!’” natatawang chika niya.

Sa ngayon daw ay wala pa rin siyang time na makipagrelasyon ulit.

“Wala pa eh. Pero, bukas na ang puso ko. Bukas na bukas na.”

So, walang walang tumitikim ng mga luto mo ngayon?

“Wala pa. May kilala ba kayo? Pakilala niyo naman ako! Hahahahaha!” sabi ni Donita.

Anyway, napakinabangan nga ni Donita ang pag-aaral niya sa pagluluto, at ang matagal na karanasan bilang chef sa ilang restoran sa abroad.

May cooking show nga siya ngayon sa GMA, ang ‘Heart Mate Kitchen Season 2’. At marami nga ang nag-uudyok sa kanya na magtayo ng sariling restoran.

“I have some offers, para mag-invest sila, pero takot kasi ako gumamit ng pera ng ibang tao. If you’re going to open a restaurant, you have to be committed. I still love showbiz, and stuff like this.

“Ngayon kasi, ini-establish ko pa ang sarili ko, dahil kagagaling ko lang from US. So, parang nag-i-start pa lang ako ulit dito sa Pilipinas.”

Mahirap ba?

“Well, I would say that it’s difficult, but it’s also exciting at the same time.

“My entire life, I’ve been dedicated to serving my family, not just my immediate family, my siblings.

“Siyempre, when I came back to the Philippines, ‘di ba, naghiwalay nga ako, it was really the first time I really focused on myself.

“Like, having my own place na, you know, going back to working out, and just focusing on my son.  So it was hard at first, but I think I’m fully recovered na,” nakangiting sabi na lang ni Donita.

***

GMA Primetime Tutok Panalo

Nagsimula na nu’ng August 10 ang mas masayang pagtutok sa primetime shows ng GMA Network! Bukod sa mga kaabang-abang na kuwento ng mga programa nito, may tsansa pang manalo ang Kapuso viewers ng malalaking papremyo bawat araw sa GMA Primetime Tutok Panalo.

Para makasali, tumutok lang sa GMA primetime shows mula Lunes hanggang Linggo at sagutin ang question of the day.

Mula Lunes hanggang Biyernes, makikita ang tanong sa isa sa mga Kapuso primetime show na 24 Oras, Victor Magtanggol, Onanay, at Inday Will Always Love You.

Maaari rin itong abangan tuwing Sabado sa Pepito Manaloto, The Clash, at Magpakailanman. Samantalang sa Linggo naman, puwede itong makita sa Amazing Earth, Daig Kayo ng Lola Ko, The Clash, at Kapuso Mo, Jessica Soho.

I-text ang sagot sa question of the day, ilagay­ ang promo code: GPTP letra ng sagotNameAddress at isend sa 4627 para sa lahat ng SMART, TNT, at SUN subscribers. (Example: GPTP A/Juan Dela Cruz, 4 Lime St., Quezon City).

Kinabukasan, makikita ang announcement of winners sa www.gmanetwork.com/primetimepanalo.

Ang masuswerteng Kapuso viewers ay mananalo ng cellphone load, gadgets, at cash prizes na hanggang P50,000. Samantala, ia-announce naman after September 9 ang grand winner.

Kaya patuloy lamang manood ng Kapuso programs gabi-gabi para sa mas malaking tsansang manalo sa GMA Primetime Tutok Panalo.

Para sa karagdagang detalye at kumpletong mechanics, magpunta sa official website ng GMA Network sa www.gmanetwork.com/primetimepanalo. Per DTI FTEB Permit No. 9358 Series of 2018.