Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Mensahe sa DDS: Mga kampon kayo ni satanas – Sharon

0 3,162

Balik talak ulit si Sharon Cuneta, at siyempre ang sentro ng kanyang mga litaniya sa Instagram ay ang mga nambababoy sa kanyang pagkatao.

“Saan ba nagsimula lahat ng kaguluhang ito? Hindi po ba sa kanila din? Pinagtatanggol ang kasamaan at pambababoy ng isang kasapi ng kulto nila. Binabaligtad at binibigyang kulay ang ilang mga nasabi ko sa galit, na ang iba naman ay di patungkol sa bastos na yon kundi ibang taong napatawad ko na.

“Eh laos na laos na po ako. Wala na dapat akong importansya! Wala na dapat meaning o atensyon ang anumang lumabas sa bibig ko kasi wala na akong relevance di ba yan ang sabi nyo? So bakit binibigyan niyo ako ng 100% na atensyon at lahat ng posts nyo nitong mga araw na ito ay paninira lang sa akin?” bahagi ng post ni Sharon.

“Ngayon lang nga ako nagalit ng ganito. Kasi ngayon lang mula nung naging Pangulo si Pres. Duterte kayo nauso at nauso ang mga masasagwa at di masikmurang mga salita ninyo sa kapwa. Parang wala nga kayong Diyos. Mga kampon yata kayo ni satanas eh,” sey pa niya.

“Mas masahol pa kayo sa COVID19. Dahil makakahanap din ng vaccine para dyan at may gumagaling naman na marami-rami rin kahit paano at wala pang gamot. Eh kayo? Wala po kayong gamot. May sakit na sa kaluluwa na buhay pa kayo baka sinusunog na, wala na nga kayong puso, may incurable lason pa kayo sa utak.”

“Luma na ang style nyo. Never ako matatawag na “dilawan.” Obvious ba kahit nga party ng asawa ko yun wala ako noon? Pero parang si Mar Roxas at Bam Aquino lang nung kampanya yan. Balita ko araw-araw libo-libo kayong tumitira sa kanila. Pero exactly one day after elections, ZERO bashing ang natanggap nila. Buking na kayo.”

Well, obyus naman kung sino ang tinutukoy ni Sharon, di ba?

Leave A Reply

Your email address will not be published.