Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Mensahe ni Digong tinawanan ng mga artista

0 1,131

Idinaan na lang sa biro, pambubuska ng mga artista ang kontrobersyal na statement ni Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa paggamit ng gas bilang alternatibong pang-disinfect kontra COVID-19.

Iginiit nga kasi ng Pangulo na seryoso siya sa sinabi na kung walang alcohol o tubig at sabon, hugasan ng gas ang mga kamay para mag-disinfect, at hugasan din ng gas ang mga face mask.

Naloka ang mga Pinoy celebrity sa statement kaya kanya-kanya silang labas ng opinyon at komento.

@nikkivaldez_: “wala na talaga to…”

@gretchenho: “hahahahaha.”

@johnlapus: “Guys question, diesel ba o unleaded ang dapat i-disinfect ng face mask.”

@andrian_alandy: “Sira na talaga ang… Ano nga uli ang posisyon mo sa Pilipinas? Ano kaya ang masasabi ng mga die hard.”

@thejasonabalos: “Seryoso po ang mahal na pangulo!”

Sa tanong ng netizen kay Kim Atienza kung ano ang epekto sa katawan ng gas kapag ito ay ginamit, heto ang sagot niya.

“Gasoline is rich in lead which will cause poisoning that can be lethal in time.”

Ben & Ben sasabak sa rakrakan

Asahang matutuloy na ang ipinangakong rakrakan online ng sikat na bandang “Ben & Ben” dahil umabot na sa mahigit isang milyon ang subscriber nila sa YouTube.

Sa tweet ay sinabi ni Paolo Benjamin (lead vocalist ng Ben & Ben) na gagawa sila ng rakrakan o show kapag umabot sila ng 1M subscriber.

“Pag umabot kaming 1M subs sa YT gagawa kami ng headbang rakrakan version ng pagtingin.”

Ang “Pagtingin” ang isa sa mga latest single ng banda. At nasa 1.1M na ang subscriber nila. At ngayon pa lang ay excited na ang mga fan sa rock version ng kanilang kanta.

Julia, Claudia tinalbugan ni Dani

Inulan ng suwerte bilang misis ang nakatatandang kapatid nina Julia at Claudia na si Dani Barretto. Bukod sa pagkakaroon ng mapagmahal na asawa, nabiyayaan din ito ng magandang anak.

Kahit sa kanyang mga in-law ay napakapalad ng nasabing panganay ni Marjorie Barretto, dahil binigyan lang naman silang mag-asawa ng bagong bahay.

Nakaposte sa Instagram ni Dani ang bahay, na ayon sa kanya ay konting ayos na lang at makakalipat na sila. Sa caption, nagpasalamat si Dani sa mother-in-law niya.

Hula ng mga fan ay regalo ang bahay sa kanilang mag-asawa ng kanyang biyenan. Sa comment ng ina ng kanyang asawa, mababasa na mahal si Dani ng mga ito.

Sinasabi sa ng mga basher na hindi kasingganda ng kanyang dalawang kapatid si Dani, pero sa takbo ng buhay nito ngayon walang dudang sya ang pinakamapalad.

Sharon matulungin sa maliliit na negosyante

Hindi lang sa pagpu-post ng kanilang mga paninda tumutulong si Sharon Cuneta sa mga reseller, kundi nagbibigay pa ito ng suggestion sa kung paano pa mapapaganda at magiging mas mabili pa ang kanilang mga produkto.

Isa si Sharon sa mga celebrity na napakasipag magposte at magpasalamat sa mga reseller na nagpapadala sa kanya ng mga pagkain.

Pinoste ni Sharon ang direct message niya sa isang chocolate cake reseller, at pinuri niya ang produkto nito dahil nasarapan ang kanyang buong team.

Yorme maglalaan ng P200M sa bakuna

Maglalaan ng P200 million ang Maynila na kukunin sa 2021 budget para pambili ng COVID-19 vaccine. Yan ang tweet ni Manila Mayor Isko Moreno bilang paghahanda sa pagdating ng gamot kontra virus.

“In preparation for the end game of this crisis, I have asked VM Honey Lacuna and the City Council, na magtabi po, to appropriate P200 million sa 2021 budget na gagamitin bilang pambili ng COVID-19 vaccine. In case po na mayroon na, handa po ang lungsod ng Maynila,” sabi niya.

Samantala, idinaan naman ni Alessandra de Rossi ang news advice ni Pres. Duterte tungkol sa availability ng bakuna ngayong December.

“Pwede mag-hibernate? Wake me up when November ends!” sey niya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.