Una sa Balita

Mensahe ni Atasha kay Aga nakakaantig ng puso

0 468

Mensahe pa lang ni Atasha Muhlach para sa kanyang ama na si Aga Muhlach tungkol sa pelikulang “Miracle in Cell No. 7”, nakakatunaw na ng puso, what more kaya ‘yong kanilang pelikula?

Ginanap nga kamakailan ang premier night ng “Miracle In Cell No. 7” at full support nga ang buong pamilya ni Aga sa kanyang pagbabalik-pelikula. Minsan na lang kasi lumabas sa mga pelikula ang beteranong aktor, kaya naman itong kanyang entry para sa MMFF 2019 ay bongga talaga at maraming paluluhain.

Kaya naman ang anak na si Atasha ay hindi naiwasang maging sentimental sa kanyang ama nang mapanuod ang pelikula nito.

“Hey dad I just want to say that I’m so proud of you and am so proud to be your daughter that movie was genuinely amazing and no other person could have done that role better than you. All the hardwork and effort you put into that movie was seen and clearly payed off – I loved the movie and i’m so sure that everyone else will love it as well but congrats the long wait is over and time to celebrate because you deserve it but congrats dad for the amazing movie and i’m so proud! I love you,” sabi ni Atasha.

‘Yan nga ang napaka-sweet na mensahe ni Atasha para sa kanyang ama na hindi napigilan ni Aga na ibahagi sa publiko dahil siyempre, na-touch din siya.

Kaya naman maski ang mga kaibigan sa showbiz industry gaya nina Gary V, John Arcilla, Ryan Agoncillo at marami pang iba ay naantig sa mensahe ng anak ni Aga.

Excited na rin ang mga fan na mapanuod ang pelikula dahil sa mensahe pa lang ni Atasha ay ramdam na ng mga fan kung gaano kaganda ang remake nila sa “Miracle in Cell No. 7”. (Athena Yap)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy