Una sa Balita

Men’s volley uupak sa Thailand

0 314

PAKAY ng Larong Volleyball sa Pilipinas Inc. (LVPI) na isabak ang Philippine men’s volleyball team sa Asian Volleyball Confederation (AVC)-sanctioned tournaments.

“Kasi sila ‘yung nakamedalya, sila ‘yung una na­ming programa, sila ‘yung isu-submit namin,” pahayag ni LVPI program head Peter Cayco.

Inaasahan na makakasali ang national squad, na nakasungkit ng silver medal sa 2019 Southeast Asian Games, sa Asian Men’s Club Volleyball Championship sa Nakhon Ratchasima, Thailand.

Ibinahagi rin Cayco na nakadepende kay national coach Dante Alinsunurin kung may babaguhin ito sa kanyang lineup.

“Nasa sa kanya na ‘yun kung gusto niyang mag-upgrade. Depende na kay coach ‘yun. Siyempre rekomendasyon niya ‘yung susundin namin,” saad ni Cayco. (JAT)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More