Una sa Balita

Men’s GM title isusubi ni Janelle Frayna

By
0 183

TARGET ni WGM Janelle Frayna na pataasin ang kanyang rating upang matupad ang asam na first Filipina na makasilo ng men’s GM title pagsalang bukas sa 17th Asian Continental Chess Championships (2nd Manny Pacquiao Cup) sa Tiara Hotel sa Makati City.

Tangan ang elo rating na 2228, pa­ngungunahan ni Frayna ang local ches­sers sa women’s division kung saan posibleng makatapat ang mga tigasing sina WGM Guo Qi at WGM Wang Jue ng China at Indian WGM Padmini Ruot.

Top seed si former team at individual silver medal winner sa 2014 World Chess Olympiad sa Tromso, Norway, Guo na may 2368 rating, habang 2367 at 2341 ang elo nina Wang at Ruot ayon sa pagkakasunod.

“It will be a great opportunity for me to compete against the best in the Asian region and hopefully make our country proud,” saad ni Frayna.

Ang mananalo sa nine-round tournament na suportado ng National Chess Federation of the Philippines, Sen. Manny Pacquiao at ng Philippine Sports Commission, (PSC) sa pamumuno ni William “Butch” Ramirez ay makakakuha ng GM norm at slot para sa Women’s World Cup at US$6,000 top purse.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy