Una sa Balita

Menor de edad na supplier ng marijuana sa Cavite, timbog

0 277

ARESTADO ng Cavite police ang isang menor de edad na hinihinalang ­tulak at supplier ng marijuana sa ilang ­estudyante sa isang buy-bust ­operation sa General Mariano Alvarez (GMA), Cavite.

Hawak ngayon ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang 17-anyos na suspek, ­habang pinaghahanap ang kasama ­nitong si Mark Louie Hernandez, nasa wastong edad.

Sa ulat ni PMSgt. Jonarey ­Gajolin Visca ng GMA Municipal Police ­Station, dakong alas-4:30 kamakalawa ng hapon nang magkasa ng buy-bust ­operation ang awtoridad sa Brgy. San Jose GMA, Cavite kung saan target ang mga suspek.

Pero sa kalagitnaan ng ­transaksyon, naramdaman ni Hernedez na ­pulis ang kanilang kausap kaya mabilis itong ­nakatakas at naiwan ang menor de edad na ­nagresulta sa kanyang ­pagkakaaresto.

Narekober sa kanya ang mga drug paraphernalia, pinatuyong dahon ng marijuana, kush na nagkakahalaga ng P40,000.

Nabatid na ang nasabing ­operasyon ay nag-ugat sa sumbong ng ilang ­estudyante sa iba’t ibang ­eskuwelahan mula sa elementarya at high school kung saan bukang bibig ang ­pangalan ng nahuling suspek na umano’y ­nagbebenta ng marijuana sa mga ­estudyante. (Gene Adsuar

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More