Una sa Balita

Menor de edad na killer ng grade 9 huli sa buy-bust

0 282

ARESTADO ng pulisya sa isang buy-bust operation ang menor de edad na tinuturong suspek sa pagkamatay ng grade 9 student sa General Trias City, Cavite.

Hawak na ng mga awtoridad ang suspek na si alyas ‘Orak’, 15-anyos ng Tropical Village, Pabahay 2000 Brgy. San Francisco, at isang John Israel Minoro.

Si Orak ang suspek sa pagkamatay ni ‘Angie’, 17, estudyante ng Governor Ferrer Memorial High School.

Sa report ni Pat. Mark Teves Raquel ng Gen. T­rias City Police Station, dakong alas-4:30 kamakalawa nang hapon nang nagsagawa ng operation ang mga miyembro ng Stations Drug Enforcement Unit at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa lugar ni Orak na nagresulta sa pagkakaaresto nito.

Nakuha sa kanilang pag-ingat ang pitong pirasong hinihinaang shabu na tumitimbang ng 8.29 gramo at may street value na P56,000 at P500 buy-bust money.

Nabatid na binaril noong Hunyo 9, 2019 si Angie ng itinuturong suspek na nagtago matapos ang krimen. (Gene A­dsuara)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy