Una sa Balita

Menor de edad na buntis ang anak,anong apelyido ang bibitbitin?

0 468

Dear Atty. Claire,

Good day po atty. ‘Yung anak ko po kasi buntis po siya ngayon at 16 years old pa lang po siya at ‘pag nanganak po siya ay 17 yrs old na po siya. Tanong ko lang po ay kapag po ba ipina­nganak na po ‘yun bata ay automatic po ba na apelyido niya ang gagamitin kahit na minor de edad pa po siya? sana po matulungan niyo po ako kasi po ‘di ko po alam anv gagawin.

Maraming salamat po!
Ador

Dear Mr. Ador,

Dahil ang anak ninyo ay menor de edad pa at hindi pa siya maaa­ring ikasal kaya’t ang anak niya ay masasabi na isang illegitimate child. Dahil sa illegitimate child siya ay ang surname ng nanay ang gagamitin ng bata ­kahit menor de edad pa siya. Ayon kasi sa ating ­Family Code na naamyen­dahan ng RA 9255

SECTION 1. Article 176 of Executive ­Order No. 209, otherwise known as the Family Code of the Philippines, is hereby amended to read as follows:

“Article 176. ­Illegitimate children shall use the surname and shall be under the ­parental authority of their mother, and shall be entitled to support in conformity with this Code. However, illegitimate children may use the surname of their father if their filiation has been expressly re­cognized by the father through the record of birth appea­ring in the civil register, or when an admission in a ­public document or private handwritten instrument is made by the father. Provided, the father has the right to institute an action before the regular courts to prove non-filiation during his lifetime. The legitime of each illegitimate child shall consist of one-half of the legitime of a legitimate child.”

Sa madaling ­salita ay maaari naman ipagamit ang apelyido ng ama kung kikila­lanin niya ang bata bilang kanyang anak. Maaaring pumirma ang tatay sa Acknowlegment sa likuran ng birth certificate ng bata at isunod na niya sa apelyido niya. Ngunit kung hindi naman kikilalanin sa ngayon ay isusunod sa apelyido ng nanay ang bata.

***

Kung may katanungan pa ay tumawag lamang sa 410-76-24 o 922-02-45 o magemail sa attorneyclaire@gmail.com

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More