Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Menor de edad, 16 pa binitbit sa buy-bust

0 68

Labimpito na hinihinalang tulak, kabilang ang isang menor de edad, ang binitbit ng Cavite Police sa isinagawang buy-bust operation sa magkakahiwalay na lugar sa lalawigan ng Cavite, Huwebes ng madaling-araw.

Sa ulat ng Cavite Police Provincial Office (PPO), isinagawa ang buy-bust operation sa pagitan ng alas-3:30 kamakalawa ng hapon hanggang ala-una kahapon ng madaling-araw sa tatlong lungsod at tatlong bayan sa Cavite.

Nanguna sa listahan ng may pinakamaraming naarestong ‘tulak’ sa Lungsod ng Gen. Trias sa bilang na anim.

Sinundan ito ng Cavite City sa lima, habang tigdalawa naman sa Dasmariñas City at sa General Mariano Alvarez, samantalang tig-isa sa Rosario at sa Silang.

Sa nasabing mga operasyon, isa sa mga dinakip ay isang 17-anyos na lalaki na nagmula sa Gen. Trias City. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.