Una sa Balita

Menk sinupalpal si Baldwin sa isyu kay Sotto

‘WAG KANG EPAL!

0 1,189

HINDI sang-ayon si PBA legend at one-time Most Valuable Player (MVP) Eric Menk sa opinyon ni Ateneo de Manila University Blue Eagles at dating Gilas Pilipinas coach Tab Baldwin na mas makabubuting manatili sa Pilipinas si Kai Sotto kaysa kagatin ang offer ng isang Spanish ballclub na maglaro roon.

Sa kanyang podcast na ‘Staying Major’, sinabi ng tinaguriang ‘Major Pain’ ng PBA na magandang opurtunidad para kay Sotto ang maglaro sa international stage upang mas mahasa ang kanyang skills.

Kamakailan lang ay napabalitang kursunada ng Real Madrid, isang commercial basketball team sa Spain, ang 17-anyos na Ateneo juniors player para maging bahagi ng kanilang koponan.

Pero hinarang agad ito ni Baldwin at sinabing “I want Kai to stay. I want him to stay in the Philippines. I want us to create a program that he and his family can realize that everything that he needs in terms of his deve¬lopment, he can get here. And I think that will be a great exercise for us to go through is to understand how we can devote ourselves to special pla¬yers for their careers and they can get that here.”

Hindi naman pabor dito si Menk, na todo-papuri kay Sotto sa solidong laro sa katatapos lang na FIBA U-17 Basketball tournament.

“I’m personally in the camp and I disagree with coach Tab (Baldwin) and I respect coach Tab (Baldwin) and I hope I have a great relationship with him, we’re both adults, we don’t have to agree on everything and still be friends and cordial but I definitely disagree with him but I do understand what he is saying,” wika ni Menk.

“This is a great opportunity for the Philippines to develop a pro prospect.”

Dinagdag din ni Menk na mara¬ming magagaling na coach, trainer at nutritionist na makukuha si Kai sa bansa pero ang hindi aniya makukuha rito ng batang manlalaro ay ang mataas na lebel ng kumpetisyon kumpara sa international scene.

“But I will say this competition and the day-to-day coaching and the size of the competition, I don’t think he get here,” dagdag nito. (Fergus Josue, Jr.)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy