Una sa Balita

Mendoza, Lady Knights todo bigay

By
0 225

KAHIT wala nang mga pag-asa ay bigay todo pa rin ang banatan sa pagitan ng Letran Lady Knights at Mapua University Lady Cardinals.

Kumana si Miracle Mendoza ng 21 points kasama ang 18 kills at isang block upang tulungan ang Lady Knights na tuhugin ang 14-25, 26-24, 23-25, 25-17, 15-13 panalo kontra Lady Cardinals kahapon sa 94th NCAA women’s volleyball tournament sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.

Bahagyang umangat sa team standings ang Letran matapos ilista ang 2-6 karta subalit wala na rin silang pag-asa na makasampa sa susunod na phase kahit maipanalo ang natitirang laro.

Bumakas din sa opensa para sa Lady Knights sina Kathleen Dela Cruz at Manuela Larioque na may 18 at 11 markers ayon sa pagkakasunod.

Namuno sa opensa para sa Mapua U si Jan Andrea Morano na tumipa ng 15 pts. habang tig-14 ang inam­bag nina Jonina Fernandez at Angeline Marie Mangundayao.