Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Melo, LeBron pakners na

0 89

NATUPAD din ang pinaglalawayan ng marami na magsama sa iisang NBA team sina LeBron James at Carmelo Anthony.

Binasag ni Anthony ang balita sa social media nang i-post ang isang video ng Lakers logo kasama ang nickname niyang ‘Melo.

Sa Biyernes pa magiging opisyal ang mga free agent deals, isang taon daw ang pinirmahan ng 37-year-old sa LA.

Mula kay Adrian Wojnarowski ng ESPN:

“Free agent F Carmelo Anthony has agreed to a one-year with the Los Angeles Lakers, his manager Bill Frazier tells ESPN.

Sabay pumasok sina LeBron at ‘Melo sa liga noong 2003 – top pick si James, No. 3 si Anthony. Nos. 4 at 5 sina Chris Bosh at Dwyane Wade.

High school pa lang ay magkaibigan na sina ‘Melo at LeBron. Huling naglaro si Anthony sa Portland off the bench nitong nagdaang season.

Sa isa pang tweet ni Wojnarowski, tinanguan na rin daw ni free agent guard Malik Monk. (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.