Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Melo labas angas kontra Grizzlies

0 145

NAGKAMADA si Carmelo Anthony ng 28 points off the bench, nag-ambag si Anthony Davis ng 22 points, may 19 points, 6 rebounds at 6 assists si LeBron James at tinakasan ng Los Angeles ang Memphis Grizzlies 121-118.

Mainam din ang kontribusyon ni Russell Westbrook na 13 points, 7 rebounds at 13 assists para sa Lakers.

Naligtasan ng LA ang dambuhalang 40 points ni Ja Morand.

Nagkaroon ng huling tsansa si Morant na itabla ang iskor sa final 2.5 seconds nang bumiyahe sa stripe matapos ma-foul ni Kent Bazemore sa 3-point area.

Pasok ang unang dalawang charities pero sumablay ang pangalawa at naitakas ng Lakers ang unang panalo sa pangatlong subok sa 2021-22 NBA season.

Umakyat si Anthony sa 9th place ng NBA all-time scoring list sa natipong 27,423 career points.

Kumana si Morant ng 13 of 21 shooting at career-best 5 3-pointers, sinahugan pa ng 10 assists. May apat na 3s na siya tungo sa 17 points sa first half.

Sa third quarter, bumagsak si James at napahawak agad sa kanang paa na nadaganan ni Grizzlies forward Desmond Bane.

Inayos ni LeBron ang sintas ng sapatos, tumayo at ilang beses tumalon-talon bago bumalik sa laro. (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.