Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Melo ibinalik dating hairdo

0 328

IKINATUWA ng maraming fan ang hairstyle ni Carmelo Anthony sa pagbubukaa ng 2020-2021 season ng NBA.

Kilala si Anthony sa braids mula pa noong ito’y naglalaro pa para sa Denver Nuggets, ngayong nasa ikalawang season na ito kasama ang Portland Trail Blazers, ibinalik nito ang tumatak niyang hairstyle.

Ipinoste ni Anthony sa kanyang Instagram account ang larawan nito na nagpapakitang balik na ang kanyang “signature braids.”

Caption ni Anthony, “there’s times Where I Wish I Was Where I Was Back When I Used To Wish I Was Here.”

Humamig na ng higit 200,000 likes at halos 4,000 comments ang post na ito ni Melo. (Sarah Jireh Asido)

Leave A Reply

Your email address will not be published.