Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Melissa-Rocco nagpakasal na

0 153

IKINASAL na si Premier Volleyball League (PVL) libero Melissa Gohing sa kanyang pinakamamahal na karelasyon na si actor Rocco Nacino, Huwebes.

Sa ipinost na larawan ni Nacino sa Instagram, ibinahagi nito ng ilan sa kanilang wedding photos.

“Yes… we… did…” caption ng aktor. “21-1-21. Meet my wife, Mrs Melissa Gohing Nacino.”

Nagkomento naman ang Motolite libero ng “cheers to forever my husband.”

Makikita naman sa Instagram story ni Gohing ang pagbati ng ilang volleybelle sa bansa sa ginanap na kasal nito. (JAToralba)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.