Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Melecio, Demusis pipirmi sa Phoenix

0 81

MANANATILI sa Phoenix Super LPG sina Aljun Melecio at Nick Demusis.

Binigyan ang dalawang sophomores ng panibagong one-year contract kelan lang.

Kasama ni Melecio na pumirma ang agent niyang si Marvin Espiritu, naroon din sina coach Topex Robinson at team manager Paolo Bugia.

Puro pasasalamat lang si Melecio na nabigyan ng panibagong deal.

“Not everyone gets a chance to play in this league,” anang guard na produkto ng La Salle sa kanyang Instagram accoutn. “Thank you coach Topex and Phoenix management for this opportunity.”

Naka-23 games si Melecio sa kanyang rookie season.

Third option sa backcourt ng Fuel Masters sa likod nina veterans RJ Jazul at RR Garcia, sulit ang minuto ni Melecio sa loob kapag tinawag ni coach Topex ang numero.

Nakapagsumite siya ng 4.8 points, 1.2 assists bawat laro. (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.