Una sa Balita

Melano, Viernes nambarako

0 166

SINAMANTALA ng Batangas City Athletics ang kanilang homecourt advantage matapos talunin ang powerhouse Bacoor City Stikers, 68-67, sa huling laro ng 3rd Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) Lakan Season Martes nang gabi sa Batangas City Coliseum.

Kinapitan ng Batangas sina Jason Melano at Jeff Viernes na kapwa nag­lista ng double-double performance.

Naglista si Melano ng 20 points at 13 rebounds, pinakamahalaga ang agaw na nagresulta sa winning layup ni Mon Rogado para ibiyahe ang Batangas City sa 5-3 win-loss record sa Southern Division ng torneong binuo ni Senator Manny Pacquiao katuwang si PBA legend at former MVP Kenneth Duremdes bilang commissioner.

Pangatlong talo naman ito ng Bacoor sa 11 na laban, bagsak sila sa third spot sa Southern Division ng fastest growing regional amateur basketball league sa bansa. (Aivan ­Episcope)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy