Una sa Balita

Melanie WAGI NG ‘Face of the 80s’ sa New York

By
0 193

Napansin ang ganda at talino ng Pinay sa mga international beauty pageants noong ‘80s. Kabilang na rito ang Miss Asia kunsaan napanalunan ng Pilipinas ang tatlong Miss Asia title noong 1982, 1983 at 1989.

Unang Miss Asia winner ng Pilipinas ay si Maria Del Carmen Ines Zaragoza sa pageant na ginanap sa Malaysia in 1982. Back-to-back win ang Pilipinas nang mapanalunan ni Gloria “Bong” Dimayacyac ang Miss Asia title in 1983 na ginanap dito sa Pilipinas.

Taong 1989 nang muling masungkit ng Pilipinas ang Miss Asia title in Hong Kong with Lorna Legaspi as the country’s representative.

Maging sa prestigious Miss Universe pageant noong 1980 at 1984, naglikha ng ingay ang Pinay.

Naging isa sa early favorite ng Miss Universe 1980 na ginanap sa Seoul, Korea ang Philippine representative na si Maria Rosario “Chat” Silayan. Nagtapos bilang 3rd runner-up si Chat at nanalo ng korona ay si Miss USA Shawn Weatherly.

Dahil ama ni Chat ang aktor na si Vic Silayan, pinasok na rin niya ang showbiz. Unang pelikula niya ay bilang leading lady ni Fernando Poe, Jr., sa pelikulang Ang Maestro noong 1981.

Sa Miss Universe 1984 in Miami, Florida, naging paborito si Miss Phi­lippines Maria Desiree Verdadero dahil sa exotic beauty niya. Nakuhang puwesto ni Desiree ay 3rd runner-up at nanalo that year ay si Yvonne Ryding ng Sweden.

Hindi pinasok ni Desiree ang pag-aartista pero naging in-demand model siya sa kanyang pag-uwi ng Pilipinas. Isa si Desiree sa founding member ng Professional Models Association of the Philippines or PMAP na tinatag noong 1987.
Taong 1986 nang mambulaga ang former Miss International 1979 Melanie Marquez dahil ni-represent niya sa ­unang pagkakataon ang Pilipinas sa Supermodel of the World competition.

Noong manalo si Melanie bilang Face of the ‘80s sa New York, pinili nito na i-represent ang Pilipinas kesa ang USA para sa Supermodel of the World ng Fords Model Inc.

Nakipag-compete si Melanie sa mga modelo na ga­ling sa iba’t ibang bansa. Sa bandang huli, first runner-up si Melanie sa 14-year-old Canadian model na si Monika Schnarre.

Si Melanie ang nagbukas ng pinto para muling mapansin ang Pinay sa international mo­deling scene.

Ang iba pang Pinay model na pinadala sa Supermodel of the World competition ay sina Tweetie de Leon, Lala Flores, Charo Ronquillo, Charlene Almarvez at Danica Magpantay na napanalunan ang title noong 2011.