Una sa Balita

Melanie super iyak: Michelle Dee itinanghal na Miss World PH

0 558

Winner ng iba’t ibang title ang tatlong Kapuso artists na sumali sa katatapos na Miss World Philippines 2019 na sina Michelle Dee, Isabelle de Leon at Kelley Day.

Ginanap ang koronasyon sa Araneta Coliseum at isa sa mga judge si Manila Mayor Isko Moreno na sa pagpapakilala pa lang ay dumagundong na sa palakpakan ang Araneta Coliseum, huh!

Si Michelle ang tinanghal na Miss World PH at nabigyan din ng iba’t ibang special awards. Anak siya nina Melanie Marquez at former action star/producer Derek Dee. Kaya super iyak si Melanie nang koronahan ang kanyang anak. Aba, mahirap nga kasing sundan ang mga yapak ng inang si Melanie, na bukod sa international title, kilala ring supermodel, ha!

Ang former child star na si Isabelle ay hinirang na Miss Multinational Philippines habang si Kelley Day ang nanalong Miss Eco International Philippines.

Ang iba pang title holders ay sina Vanessa Mae Walters, Miss Eco Teen Philippines; Gysa Leiann Perez, Miss Philippines Tourism; at Katrina Liegado, Reina Hispanica Filipinas. First Princess naman si Shannon Kristie Kerver at si Casie Banks ang Second Princess.

Lalaban si Michelle sa Miss World sa London sa December 14.

***

Kim, Shayne aminadong baon sa utang

Solved na ang kasalukuyang problema sa pera nina Kim de Leon at Shayne Sava. Sila ang tinanghal na Male and Female Ultimate Survivors sa “StarStruck 7” nu’ng Linggo ng gabi.

“Hindi na po namin ibebenta ‘yung bahay sa Batangas. Hindi na po kami magtitiis sa maliit na dorm na tinitirhan namin. Kaya sobrang malaking tulong sa amin ‘yon.

“Pagyayaminin ko pong lahat ang makukuha ko rito. Ipagpapatuloy ko po. Hindi ko po sasayangin dahil isa itong malaking responsibilidad,” pahayag ni Kim nang makausap ng press after ng announcement of winners.

“Hindi ko inaasahan na ako po ‘yung Ultimate Female Survivor. Kasi mahusay din po si Ate Lexi Gonzales. Lagi ko pong ipinagdarasal na ako ang maging Ultimate Survivor para matulungan ko ang pamilya ko. Makamit ko lahat ng pangarap ko!” saad naman ni Shayne.

Tinalo ni Kim si Allen Ansay habang si Shayne naman ay si Lexi ang pinadapa.

Mapapabilang ang dalawa sa “Sunday PinaSaya”.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy