Una sa Balita

Melanie super dasal na manalo si Michelle sa Miss World

0 615

Pukpukan na sa Dec. 14:

Lumipad for London si Miss International 1979 Melanie Marquez para suportahan ang kanyang anak na si Michelle Dee na representative ng Pilipinas sa Miss World 2019.

Pinagdarasal ni Melanie na maiuwi ni Michelle ang Miss World crown.

“Kung ibibigay sa kanya ang korona, why not? I thank God for that.

“Pero, sabi nga nila, may destiny lahat ng mga tao, may purpose lahat,” sey ni Melanie.

Kasamang umalis ni Melanie for London ay ang husband niyang si Adam Lawyer at isa sa anak nila. Gaganapin sa London ang Miss World 2019 on December 14.

Sa history ng Miss World, ang tanging Pinay na nanalo ng Miss World title ay si Megan Young noong 2013. Ang mga naging runners-up na mula sa Pilipinas ay sina Cecilia Amabuyok (4th runner-up, 1968), Evangeline Pascual (1st runner-up, 1973), Ruffa Gutierrez (2nd runner-up, 1993), and Gwendoline Ruais (1st runner-up, 2011).

Pumasok naman bilang finalists sina Minerva Cagatao (Top 15, 1970), Evangeline Reyes (Top 15, 1972), Sarah Areza (Top 15, 1982), Sherry Byrne (Top 15, 1986), Caroline Subijano (Top 10, 1992), Katherine Manalo (Top 10, 2002), Mafae Yunon (Top 5, 2003), Karla Bautista (Top 5, 2004), Carlene Aguilar (Top 15, 2005), Queneerich Rehman (Top 15, 2012), Valerie Weigmann (Top 25, 2014), Hillarie Parungao (Top 10, 2015), Catriona Gray (Top 5, 2016), and Laura Lehmann (Top 40, 2017). (Ruel Mendoza)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More