Una sa Balita

Melai tahimik na umayuda sa mga quake victim

0 471

Silent worker pala ang Kapamilya TV host at comedienne na si Melai Cantiveros dahil sa ginawa niyang pagbigay ng relief goods sa mga naging biktima ng lindol sa Mindanao.

Tahimik kasing ginawa ito ni Melai at nalaman lang ang kanyang good deed nang may magpasalamat sa kanya sa pamamagitan ng isang Facebook post.

Ang kaibigan ni Melai na si Darla Sauler ang nakakita ng post na iyon ng natulungan ni Melai at siya na ang nag-upload nito sa kanyang social media account.

“Kaya simula pa lang mahal na mahal kita MELAI eh. Eto na naman, kung walang nagpost di namin malalaman… pagpalain ka pa ng Diyos para sa napakabuti mong puso. Pusong hindi pang-show lang. Pusong meron ka na noon pa man bago ka maging Grand Winner sa tatlong contests sa ABS-CBN, at mapanalunan ang puso naming lahat. Labyu iSay! @mrandmrsfrancisco.”

Nag-comment naman si Melai sa post na ito:

“Over madam xmpre sa mga kaibigan ko din na over over support. Xmpre taga Mindanao baya ko madam. Love u more madam.”

Tulad ni Melai, may malaking puso rin si Angel Locsin na siyang nanguna sa mga celebrities na nagdala ng relief goods sa Mindanao. Tahimik din itong ginawa ni Angel noong nakaraang November 1 at nalaman lang ng public nang may mag-post sa social media ng photos at video ni Angel na nagdi-distribute ng mga dinala niyang relief goods. (Ruel Mendoza)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy