Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Mel Velarde itinanggi P2B utang sa NTC

0 241

Itinanggi ng negsoyanteng si Mel Velarde ang mga ulat hinggil sa umano’y P2 bilyong hindi nabayarang mga supervision and regulation fee (SRF) at spectrum user fee (SUF) sa National Telecommunications Commission (NTC) ng telco unit nito.

Sa demand letter na pinadala sa Abante ng abogado ni Velarde na si Gilberto D. Gallos ng Angara Abello Concepcion Regala & Cruz, pinaliwanag nito na, “The NOW Telecom owes the NTC SRF and SUF is false. In the first place, the claim of the NTC, as earlier mentioned, is being strongly disputed by NOW Telecom because it is legally baseless, and this dispute is currently pending with the Supreme Court. Due to the sub judice rule, we cannot publicly discuss the merits of this case.”

Kalakip pa ng liham ni Gallos sa Abante ang kopya ng ‘Certificate of No Outstanding Liabilities’ na galing sa NTC. Nakasaad dito na ang NOW Telecom ay walang “uncontested obligations” sa NTC “as of 1 October 2018.”

Una rito, inulat ng Bilyonaryo ang liham ni Infrawatch PH convenor Terry Ridon noong Marso 14 na kumukuwestiyon sa NTC sa pag-apruba nito sa operasyon ng NOW sa kabila ng kabigurang magbayad ng tinatayang P2 bilyon sa mga frequency fee simula 2017.

Hiniling pa ni Ridon sa NTC na magbigay sa Infrawatch ng ilang dokumento hinggil sa mga liability ng NOW, na magagamit umano sa ibang mga ahensya para sa angkop na aksyon.

Nagbabala naman si Gallos na gagawa ng legal na aksyon laban sa Abante kung hindi nito aalisin ang nasabing ulat at hindi rin ititigil ang paglalabas ng mga artikulo na kaugnay sa isyu.

“The article is libelous because it dishonors, discredits, and incites contempt against Now Telecom and Mr. Velarde, and tarnishes their name(s)/reputation(s),” ani Gallos.

Leave A Reply

Your email address will not be published.