Una sa Balita

Mekeni balik na sa merkado

0 743

MULI nang matitikman ang Pampanga-based Mekeni Foods Corp. (Mekeni) dahil pinayagan na itong makabalik sa merkado ng Food and Drug Administration (FDA) matapos na mapatunayan na hindi na apektado ang mga ibinebentang ‘processed meat’ ng African swine fever (ASF) virus.

Ito ay makaraang magpadala ng liham kay Mekeni President Prudencio S. Garcia, si Health Undersecretary Eric Domingo, at sinabing maaari na nilang ibalik sa merkado ang kanilang ‘pork-based products’ dahil napatunayang ligtas na ito sa nasabing virus na kumalat sa mga baboy.

“Upon due evaluation of the submitted documents and as agreed in our meeting, please be advised that this Office allows the redistribution of these processed pork meat products that tested negative for ASF,” base sa liham ni Domingo nitong November 26.

Batay sa inilabas clearance ng FDA at resulta ng pagsusuri ng Standard Global Services (SGS) na 100% negatibo mula ASF virus ang lahat ng ipalalabas na pork-based products ng Mekeni sa merkado, gayundin ang mga pasilidad, kagamitan at ginagamit na raw meat materials ng kompanya.

“The FDA clearance and SGS results give assurance that all Mekeni pork-based products to be released in the market, as well as its facilities, equipment and raw meat materials, are 100% negative for ASF virus DNA,” ayon naman sa pangulo ng Mekeni.

Magugunitang, kusang binawi ng Mekeni sa merkado ang lahat ng kanilang produktong karneng baboy habang hinihintay ang opisyal na resulta ng pagsusuring isinagawa ng Standard Global Services (SGS) ng Bureau of Animal Industry (BAI) sa mga ito noong Oktubre, at kumpirmahin naman ng Department of Agriculture na ilang produkto nito ng nagposi­tibo sa ASF virus partikular ang hotdog at skinless longganiza. (Dolly Cabreza)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More