Una sa Balita

Mekaniko nag-amok sa Caloocan, 4 sugatan

0 343

NAKARATAY sa pagamutan ang apat na lalaki nang pagsasaksakin ang mga ito ng 27-anyos na ­mekanikong nag-amok sa Barangay 35, Caloocan City.

Ligtas na sa tiyak na kamata­yan at nagpapagaling na lang ang mga biktima na sina Francis Lalo, 29-­anyos, may asawa; Arthur August Bernal, 29; magkapatid na sina Angelo, 18 at Ryan Vladimir Ja­vier, 23, kapwa mga residente ng nasabing barangay.

Ayon sa pulisya, nag-iinuman ang mga biktima sa bahay ni Bernal dakong alas-11:30 Miyerkoles ng hatinggabi nang marinig nila ang sigaw ng isang lalaki sa gitna ng kalsada at naghahamon ng away, nakilala ito na si Mike Abundo.

Napilitang lumabas ng bahay ang apat nang magtumbahan ang kanilang mga motorsiklo na nakaparada sa labas ng bahay, matapos sipain ng suspek.
Hindi pa man nakakapagsalita ang grupo, nilusob na sila ni Abundo at isa-isang pinagsasaksak.

Tumakas ang suspek ngunit nasalubong niya ang mga rumes­pondeng pulis na agad siyang pino­sasan.

Inaalam pa ang dahilan ni Abundo sa pagwawala. (Orlan Linde)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More