Una sa Balita

Mekaniko bulagta sa pulis

By
0 4

GAPAN CITY, Nueva Ecija — Bumulagta ang isang 33-anyos na mekaniko makaraang makipagbarilan sa mga pulis na nagsagawa ng buy-bust noong Miyerkules ng gabi sa Brgy. San Roque rito.

Sa ulat ni P/Supt. Peter Madria, nakilala ang napatay na si Joel Santiago Pabustan, residente ng Sitio Sapang Pajo, Brgy. San Roque sa lungsod na ito.

Nabatid na dakong alas-6:58 ng gabi noong magsagawa ng buy-bust si PO3 Christopher Soriano, katuwang ang mga taga-Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Nang matunugang mga pulis ang katransaksyon ay pinaputukan ang mga ito subalit hindi nakatama si Pabustan at noong ito ang gantihan ng putok ay napuruhan at nasawi noon din.

Nakarekober sa lugar ng isang cal. .45 pistol, dalawang basyo ng bala para sa caliber .45, tatlong basyo para sa caliber 9mm.