Una sa Balita

Meijers hari ng 10th Le Tour de Filipinas

0 256

Legaspi City, albay — Napangalagaan ni Jeroen Meijers ng Taiyuan Miogee Cycling Team ang kanyang kapiranggot na lamang upang tanghaling kampeon sa katatapos na 10th Le Tour de Filipinas, kahapon.

Matapos sikwatin ang panalo sa Stage 1, hindi na binitawan ng 26-anyos na si Meijers ang pagkapit sa top spot ng general classification kaya naman apat na araw nitong suot ang Air21 Purple Jersey.

Ayon kay Meijers, kahit ilan na lang sila sa team ay nagawa niyang pangalagaan ang kanyang abante kaya naman natutuwa siya sa kanyang pagkakapanalo.

Nirehistro ni Meijers ang 20 oras, 38 minuto at pitong segundo sa five-stage Category 2.2 event cycling marathon na inorganina ng Ube Media, Inc.
Naging mahigpit na karibal ni Meijers si Huat Choon Goh ng Terengganu Inc. TSG Cycling Team dahil simula Stage 2 ay 45 segundo lang ang kanyang lamang.

Third sa GC si Angus Lyons ng Oliver’s Real Food Racing na may nilistang 20:39.45 oras.

Ikinuwento ni Meijers na magkasama palagi si Goh at Lyons sa simula ng karera subalit makalipas ang 35 kilometro ay kinontrol na nila ang karera upang masiguro ang panalo.

Hinablot ni Mario Vogt ng Team Sapura Cycling ang panalo sa 138.1-km. Stage 5 na nagtapos sa Rizal Ave­nue, tinarak nito ang tatlong oras, 33 minuto at 39 segundong tiyempo.

Pangalawang dumating si Pinoy rider Dominic Perez ng 7Eleven Cliqq-Air21 habang tersero si Mohd Zamri Saleh ng Terrengganu Inc. TSG Cycling Team.

Walang Pinoy ang nakapasok sa top 10 ng GC dahil nalaglag sa 11th place si Marcelo Felipe ng 7Eleven Cliqq-Air21 sa 11th place. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy